I-manage ang iyong tindahan nang mas madali
Ito na 'yung sistemang dapat meron ka noon pa. Benta, imbentaryo, staff, ulat — lahat nasa isang lugar na lang, kahit walang internet. Subukan ng 30 araw, libre, walang kailangan credit card.
⬇ I-download ang Free Trial30 Araw Libre · Walang Credit CardKPOS Resibo
Kilala mo ba ang feeling na ito?
Karaniwang problema ng mga tindero/tindera na nireresuelto ng KPOS.
Pagod ka na sa pagsulat ng resibo?
Ilang beses ka na bang nagkamali dahil pagod na pagod ka na? Sa KPOS, isang pindot lang — tama agad, wala nang stress.
Hindi mo alam kung kumikita ka ba talaga?
Parang puro benta buong araw pero bakit parang wala namang natitira? Ipapakita ng KPOS ang totoong kita mo — malinaw, walang gulo.
Nagugulat na lang na ubos na pala ang paninda?
Sayang ang benta na hindi mo nakuha dahil ubos ka pala hindi mo alam. Sasabihan ka ng KPOS bago pa maubusan.
Kinakalkula mo pa rin gamit calculator sa pagsara?
Tapos na ang hirap maghintay habang nagta-total — andiyan na ang running total sa KPOS, pindot lang at ayos na.
Bagong bantay, hindi pa alam ang presyo?
Ayaw mo namang laging tinatanong ka ng presyo. Nakasave na lahat sa KPOS — kahit sino magbantay, alam agad.
Nakalimutan mo na kung sino may utang sa'yo?
Puro papel, nawawala pa. May proof-of-debt na record ang KPOS para sa bawat utang — hindi mo na kailangang tandaan lahat.
Hindi tugma ang laman ng kaha pagsara?
Nakakaloka maghanap kung saan nagkamali. Ikukumpara ng KPOS ang bilang mo sa dapat na laman — makikita agad kung saan may problema.
Hindi mo alam kung anong stock ang malapit nang mag-expire?
May Expiry Notifications ang KPOS na nag-aalerto sa iyo bago pa maubos ang shelf life.
Kumikita ka ba talaga?
Kalkulahin kung magkano ang natitipon mo kapag ginamit mo ang KPOS.
Natitipid bawat araw
₱140
Bawat buwan
₱4,200
*Batay sa average na 7% na pagbabago sa tindahan na gumagamit ng POS vs manual na resibo.
Lahat ng kailangan mo, nasa loob na
Lahat ng kailangan mo — walang dagdag na bayad, walang in-app purchases.
Mabilis na Resibo
Mag-ring up ng benta sa ilang segundo. Automatic ang total, sukli, at resibo.
Product Search
I-type o i-scan ang barcode para mahanap agad ang produkto.
Barcode Scanner Support
Gamitin ang anumang USB o Bluetooth barcode scanner para mas mabilis mag-ring up.
Thermal Printer Support
Compatible sa karaniwang 58mm at 80mm thermal printers. Plug and play.
GCash / Maya Padala Ledger
I-log ang Cash In, Cash Out, Send Money, Load/Bills, at Padala — automatic ang fee sa bawat transaksyon.
Tingi at Per-Stick na Benta
Magbenta ng yosi per stick o kahit anong produkto per piece — tama pa rin ang stock deduction.
Custom + Ma-reprint na Resibo
Ilagay ang pangalan, address, at footer ng tindahan mo sa bawat resibo — puwede ring i-reprint anumang lumang transaksyon.
Sarili mong Fee Table
I-set ang sarili mong fee per amount range — piso o porsyento, depende sa halaga.
I-hold ang Benta
May nakalimutang pera ang suki? I-hold ang cart, asikasuhin ang susunod na customer, balikan mamaya — buo pa rin ang order.
Presyong Pang-bultuhan
Maglagay ng mas mababang presyo kapag umabot sa dami mong itinakda — automatic nang lilipat ang presyo sa cart.
Proteksyon sa Wallet Balance
Hindi ka papayagang mag-Cash In kung mauubos ang wallet mo — may babala rin kapag paubos na.
Tingnan kung paano ito gumagana
Real na KPOS App — walang artificial na demonstration.
Handa ka na bang subukan ang KPOS?
30 araw na libre. Walang credit card. Walang hidden charges.
⬇ I-download ang Free Trial30 Araw Libre · Walang Credit CardMay tanong? Email kami: supportkpos@gmail.com